September 11, 2005

Say Wha?!?

Kaeiy is listening to: Kahit Pa - Hale

Kahapon, tinopak kami ng aking paboritong tiyo na magsimba nang Sabado imbes na Linggo. Kaya limang minuto bago mag- alas sais, sumakay na kami sa kotse at nagmaneho patungo sa simbahan.

Simula nung labintatlong taong gulang na ako, palagi na akong Linggo kung magsimba (yun ay kung sisipagin akong magsimba. Madalas kasi mas gusto ko na lang matulog o di kaya ay magbabad sa harap ng telebisyon basta Linggo ng hapon. Hindi din naman ako nagigising nang maaga kaya out of the question ang pagsimba sa umaga.) kaya nanibago talaga ako nang magsimula ang Misa.

TAGALOG ANG MISA! Waaaaaaahhhh!

Oo, marunong ako mag-Tagalog. Ano naman ang akala ninyo sa akin, parang si Martin Nievera na mahigit dalawang dekada na sa Pilipinas eh Ingles pa rin kung makipag-usap? Pero, for some reason, lost na lost ako sa Misa na ito.

Halimbawa lang ito:

Pari: (blahblah blah blah sa Tagalog, shempre)
Kaeiy: ahm... ah, eh... and also with you.

Kahit paano naman, naiintindihan ko yung Misa at nakakasunod pa naman ako. Ingles nga lang ako kung sumagot. Para akong naloloka nung Misa na yun. May running translation sa Ingles na nanggyayari sa utak ko! Parang isang Chinese Kung-Fu movie na masagwa ang pagka-dub...

Pari: (blah blah blah sa Tagalog bleh bleh bleh...)
Kaeiy: (nakaluhod) Ah... eh... Lord, I am not worthy to receive you. But only say the word and I shall be healed. (background: bleh bleh bleh sa Tagalog pa rin shempre)

I swear, naloka ako sa Misa na yun! Buti na lang at yung regular Church choir ang kumanta nung gabing yun. Hindi yung tinatawag naming Lola Brigade na akala mo ay mga kinakatay na baboy pag kumakanta ng Hallelujah... Kahit paano, naka-survive ako sa Misang yun dahil magaganda ang mga boses ng mga kumakanta. Sa tuwing kakanta sila, napapalingon ako sa choir loft. Ang galing talaga nila. Lalo yung bago nilang soprano. Hehe...

So, children, ano po ang moral of the story? Wala. Magsimba pag Linggo. Hindi Sabado. Linggo. Or else, magiging paranoid schizophrenic kayo... tulad ko. Mwahahahahaha!

-o-o-o-o-o-

"Sa umagang darating
Lahat ay aking kakayanin
Kahit pa ikaw lang at ako..."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home