Masyadong Seryoso...
Kaeiy is listening to: Could Have Been - Frio
Hmmm... kapansin-pansin na medyo seryoso ata masyado ang mga previous entries ko. May konting drama, may mas maraming drama, may napakaraming drama... Hindi ko nakilala ang sarili ko. Haller, isdatchu? Hudahelaryu? Halleewww... Anubaaah! Para naman akong others eh... Ay hindi naman pala. Slight lang, di naman ma-shadow!
Pero teka... Bakit? Bakit? Bakit ako ganito ka-seryoso? Dahil ba sa ilang oras na meeting tungkol sa pagpalit ng transactions ng Assembly to Test, Assembly to Test to Out, at Test to Assembly? O di kaya nakalanghap ako ng kung anik-anik na fumes na galing sa Mold Cure na amoy sunog na buhok at nag-evaporate na di-ethyl ether at rugby na nasinghot ng taong-grasa at ng utot na mula sa Delta Quadrant? O baka dahil sa mga di-matukoy na klase ng radiation na galing sa projector (di kaya nabaog nako dahil dun?)? Dahil ba nagkanda-loka ang File Mapping dahil sa recent changes na dapat i-apply bagama't napakalapit na ng deadline ng team? O di kaya ay dahil sa hinayufak na pakshet na walanjong product engineer sa basement na bigla ba namang sumulpot at muntik nang... Naaahh, di naman siguro dahil dun. Hindi naman niya siguro sinasadya... Baka kasi nakita niya ang aming version ng Sadako na gumagala sa mga ramps. Matanong nga pag nakasalubong ko ulit, ngyahaha...
Hemingway, dahil uber-stressed na ang mga fifol sa buong departamyento dahil sa SAP Migration na itechiwa, nag-outing kami ng ibang myembro ng aking team. Ayun, lumangoy-langoy kami sa maligamgam na tubig ng Pansol na sinasabing ihi ni Maria Makiling - namfotsah naman, minsan lang mapapalapit sa diyosa eh sa ihi pa napunta! Tapos eh nagsipagkantahan na parang humahamon ng isandaang bagyo dahil may water shortage pa rin sa bansa at nag-kodakan na parang walang kinabukasan. At shempre kumain ng maraming-maraming marami! May lechon, alimango na pinasingawan sa suka at bawang, sugpong niluto with kung anu-anong magic care of Manong Bossing, inihaw na tilapia, inihaw na liempo at porkchop (hindi naman puro carcinogenic ang kinain nila noh?), pinakuluang saba at kamote (kahit na di ako kumakain ng kamote - kahit isabay sa sipit ng alimangong binalatan ni Fafa Domz - tenkyu Fafa Domz! *mwah* Pero ayoko pa rin ng kamote!) Nakakapuyat pero nakakarelaks kahit paano. Biruin mo, bente-kwatro oras hindi sumagi sa isip ko ang Product Component, Airport Arrival Time, Second Optical, Die Attach, Wire Bond, Mold Cure, Assembly Cycle Time at pangalan ng kung anu-anong kumpanyang gumagawa ng kung anu-anong hi-tech na mga bagay. Mental Relaxation, ika nga!
Pero shempre ngayon, back to reality. Kaharap ko nanaman ang aking monitor at kinikindatan ulit ako nila Wafer Receipt, Die Attach Cure at Laser Marking. Hindi ko sila na-miss, pramis! Buti na lang ay merong dalang espasol si Renan mula sa kanilang probinsya at nakapagsabi na ako na o-order ako sa kanya ng maraming maraming espasol sa susunod niyang uwi! Kain lang nang kain! Di bale nang tumaba! Pambawi din sa puyat!
Speaking of puyat, masayang makipagpuyatan sa mga tao dito... lalo na yung mga bukas ang third eye. Nakakakilabot mang pag-usapan, nakakatuwa din naman mag-compare notes tungkol sa kung ano ang nakita/narinig/naamoy nila sa kung saang sulok ng planta. Magsabi lang ang isa ng sentence na nagsisimula sa "Guys, may multo ba sa..." o kaya "Minsan pag gabi, may naririnig ako sa..." ay tuluy-tuloy na ang kwentuhan tungkol sa ating friendly neighborhood once-living chums. I-discuss ang fashion sense ng Lady in Black sa War Room sa mezzanine na parang ten million years nang hindi nakakita ng suklay at nakagamit ng shampoo. Inokray ang suot na unipormeng pang-kinder ng isang chikiting na lalaki na kulay grey na nagtatatakbo sa isang hallway sa mezzanine na walang patutunguhan kundi isang dead end. Naglokohan tungkol sa kasarian ng nagmumultong sikyu na naka-puti na bumubulaga sa glass doors. Pinaka-common nangyayari ito during dinner time. Sakto, madilim na sa labas at oras na ng labasan... ng multo (at ng mga nag-OT na A-shift sa production). Tapos takutan na, pa-corny-han ng jokes para kunwari di natatakot, tapos sabay papasama sa CR kasi naiihi na sa kaba. Tapos maya-maya lang mapapansin namin na pinagsasarhan na pala kami ng canteen at dapat na kaming bumalik sa aming mga cube dahil nagpabayad nanaman kami ng OT na wala naman kaming nagawa kundi magtakutan, magdakdakan at kabagin sa kakatawa... hehehe.
Mahirap pumetiks dito... una sa lahat, naka-deadline kami. Malapit na mag-Go Live! Nakakalokaaaah! Parang gusto ko maging manananggal na nahahati sa anim para magawa lahat ng dapat gawin bago pa dumating ang tinginingining-poknat na deadline na iyan! Pangalawa, mahiya naman ako sa balat ko kung pepetiks lang ako... samantalang andaming dapat magawa! Kung si Manong Bossing nga eh halos di na sila nagkikita ng asawa't mga anak niya para lang matapos ang trabaho... deebah? At shempre, para saan pang pumapasok ako sa opisina kung pepetiks lang din... Magb-blog, magsulat ng kung-anu anong eklavu chevernes, makipag-okrayan sa ibang mga baklitang team mates, paduguin ang ilong ni Yuge sa kaka-Bisaya namin nila Au (na pinsan ng Pambansang Kamao), Grace, Macs at Arbee, takutin si Mommy Cel tungkol sa batang umiiyak malapit sa cube ni Ma'am Emely, at pagkwentuhan ang mga kabalbalan na ginagawa ni codename Barang!
Kaya dapat lang na tigilan ko na itong pagta-type ng wala-wentang post na itech... Trabaho na ulet. Vavayu!
(After ten million years, nagawa ko rin itong i-post. Pero sa bahay na. Alam mo naman ang Internet access sa kumpanya - malakas ang Websense!)
-o-o-o-o-o-
"Could have been a perfect love; I'm still trying
I know you lost your faith in me; now I'm crying
I know I've been such a fool; I've been blinded
Can we just get back to where we started?"

0 Comments:
Post a Comment
<< Home